Linggo, Abril 17, 2011

hoy week!

hoy! tama ang spelling ng title. hindi ako nagkamali ng pagtype. ngayong darating na week ang isa sa pinakamimportanteng occasion sa mga Kristiyano. pinagdiriwang ang passion, death and resurrection ng Dakilang Tagapagligtas ng sangkatauhan-si Jesus. Holy week napo ulit mga frends.. ibig sabihin wala na namang pasok sa opisina o eskwela. pde na namang tumakas sa lupit ng mundong pilit nating iniiwasan. pagkakataon naman nating magsayang ng oras sa pagpapakasaya sa kung saan saan.siyempre ito ay panahon ng pagaalala at pagsali sa panata ng pananalangin at pagninilaynilay sa ating mga gawa. madalas nga mas madaming oras pa ang naiispend natin sa gimikduring ng week na ito kesa sa pagpapalakas ng ating pananmpalataya. guilty as charged din ako dito. nung bata pako, natatandaan ko ang pagsali sa lahat ng activities ng simbahan, station of the cross, prusisyon at mga misa. atend ng atend ngunit hindi naiinindihan kung bakit at para san ang pagatend. nung medyo nagkaisip nako,natatandaan ko  na pumupunta na lamang ako kasama ang karamihan ng mga tambay ng kanto at mga nagkukunwaring nagsisisi sa gabi ng Sabado  de Gloria kung saan may malaking kandila at may pagbabasbas ng mga kandila, langis at tubig. nagiging mabuti ang mga tao sa paligid. pawang mga santo at santa sa kabaitan. pero before at after ng week na ito, kung ano anong kamunduhan ang inaatupag, kabikabila ang bangayan, chismisan at sugalan. masasabi bang Holy week ito  o 'hoy' week? nawa'y isapuso at isip nating ang hoy week na ito  at maging makatotohanan nawa ang ating pagninilay nilay at pagdarasal.  ngayon, while sinusulat ko ito, nahohoy ko angsarili ko at sana ang ilan din sa inyo. hoy, isipin mo mga nagawa mo. hoy, baguhin mo na ang mga negatibong bagay sayo. hoy, magsisi ka na. hoy, humingi ka ng tawad sa lahat-kahit hindi ikaw ang may sala. hoy, si Kristo ang dapat maging  sentro ng pagdiriwang ng Holy week at dapat sentro din ng buhay mo above all else. JESUS is the WAY, TRUTH & LIGHT to the Father in Heaven. let's focus in HIM. we are nothing  without Him. but with Him we could do great things! God bless you! Hoy!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento