ilang beses ko na tinanung sa sarili ko bakit ako ganito at bakit ganun? Numero tres at third, pangatlo at kung anu pang mga pangaalipusta ang aking nadama at naranasan sa mga pagiging tatlo. oo, tama na. ako ang gitna sa limang magkakapatid, gitna sa magkapares na dalawang pares ng lalake at babae. madalas napapagitna sa init ng ulo at usok ng galit ng mga magulang. una sa utos at pagsesentimiento. ilang luha, dusa at pakiramdam ng pinagkakaisahan ng mundo. ilang oras na mabibilang na sa ilang araw, buwan o taon kung susumahin ang dame ng pagkakataon na naigugol sa pagmumukmok at pagkaka-emo.
bad trip, bad shot at bad mood. kulang ang salita para maisigaw ang sumisidhing damdamin na bumubulusok sa loob ng aking umaalab ng dibdib. ano na nga ngayon? wala lahat ng ito ay lumipas na at bahagi ng lumang bahagi ng pagkatao ng isang gitnang anak. lahat tinanggap at natutunan ang lahat ng mga dapat matutunan. sa tulong ng Maykapal, lahat ang may-akda ng lahat ng ito. inaalay, inalay at iaalay ko sa Kanya ang lahat.
makalipas ang labin-isang taon, babalikan ko ang mga naisulat sa talatang ito. masasabi ko na apektado padin ako ng numeri tres.
